Make your own free website on Tripod.com

TALAMBUHAY

Ako po ay si Jingo.  Isa po ako sa libo-libong Pilipino na naghahangad na makalikha ng sarili kong bahay pahina.  Itong pahina pong ito ay pangalawang likha ko na po.  Taong 2000 ang una kong nagawang bahay pahina.  Matagal na akong natigil sa muling paglikha ng sariling kong pahina sa world wide web kung kayat minarapat kong gumawa na naman upang hindi kalawangin ang munti kong kaalaman.

Ako po ay may asawa na at kami ay binayayaan ng tatlong anak.  Sila ay si Jedd, Janel at Jeric.  Sila po ang aming tanging yaman sa mundong ito.  Ipinagmamalaki po naming mag-asawa ang aming mga anak.

Ako po ay nagtapos ng kursong Bachelor of Science in Business Administration Major in Management Information System sa isang paaralan dito sa Pilipinas.

Hindi masyadong makulay ang aking buhay sapagkat isa lamang po ako sa mga pangkaraniwang Pilipino na pilit pa ring lumalaban para maiangat ang aming kabuhayan.  Isa lamang po ang aking hangad, yan po ay mabigyan ng magandang kinabukasan ang aking pamilya gaya po ng hinahangad ng karamihang Pilipino.

Sa pagtatapos, nais ko lamang pong ipahatid sa mga panauhin ng pahinang ito na sana po ay  magtulong-tulong na tayo upang maiangat ang ating kabuhayan at mapangalagaan ang ating kalikasan.

Maraming salamat po sa inyong pagdalaw sa aking pahina.  Patnubayan nawa kayo ng Panginoon.